Thursday, October 1, 2009

DEPENDE

PAUNAWA:
· Huwag masyadong palawakin ang imahinasyon.
· Para lamang ito sa mga labing-anim pataas ang edad.


Virginity
Sa tuwing naririnig ko ang salitang virginity, eto ang ilang pumapasok sa aking isipan, puro, malinis at pagiging birhen. Para sa akin at sa marami pang kababaihan, ang Virginity ay isang regalo mula sa ating may kapal na maaari naman nating iregalo sa ating mapapangasawa.

May ilan akong mga katanungan na hinanapan ko rin naman agad ng kasagutan. Ano nga ba ang mga masasamang ibubunga oras na mawala ang virginity ng isang dalaga o babaeng wala pang asawa? Hindi na ba sila gagalangin ng mga kalalakihan? Maaari ba silang hiwalayan ng mga asawa nila oras ng malaman na hindi sila ang unang nakagalaw sa kanila. Kasalanan nga ba ang pagkawala ng virginity ng isang taong hindi pa kasal? Bakit nga ba pumapayag ang ilang mga dalaga na makuha ang kanilang virginity? Mahalaga pa nga ba ang virginity?

Iyan ang mga katanungang pumukaw sa aking isipan oras na mapag disisyunan kong ito ang aming paksa sa aming proyekto sa Filipino. Isa lang ang maisasagot ko sa aking mga katanungan, “depende sa sitwasyon.” Nag-interview ako ng maraming tao at naka-kalap ako ng iba’t-ibang pahayag mula sa kanila. Kaya tanging “depende” lamang ang naisip kong kasagutan sa lahat ng aking katanungan. Gusto mo bang malaman kung bakit nga ba depende? Halina’t maupo at basahin ang aking pahayag.

Maraming maaaring masamang ibunga oras na mawala ang virginity ng isang dalaga. Isa na siguro dito ay kapag nabuntis ang babae at hindi panagutan ng ama ng bata. Narito ang isang kwento.


Isang araw ay dumalaw ang tita ko sa kaniyang kaibigan.
"Mars, ano ba ang dapat kong gawin? Gusto ko ng ipalaglag ang bata na ito."
"Problema mo boy? Naka drugs ka ba kagabi? Bakit mo naman gagawin iyon?"
"Ayaw kasing panagutan ng boy friend ko itong batang ito eh."
"Ayun naman pala eh. Walang kasalanan yung bata. Ede yung boy friend mo ang ipalaglag mo sa bangin."
"Mars naman eh. Hindi ako nakikipag biruan."
"Ay seryoso ka pala no? pinapalakas ko lang loob mo."
"Eh ano ba dapat kong gawin? Hindi ko kayang buhayin to mag-isa."
"Ano ka ba naman? Anong malay natin, baka iyan pa ang mag-ahon sa iyo sa hirap. Malay mo iyan pa ang pumalit na President ng Pilipinas o sumunod sa yapak ni MANNY “PACMAN” PAQUIAO."

Aral:
· Huwag ipagkatiwala ang katawan sa nobyo kung hindi pa kasal.

Sa paggalang ng mga lalaki, depende sa iyong kilos at pananamit. May mga taong kahit hindi na virgin ay mukha paring birhen at may mga tao namang kahit birhen ay mukha nang nagalaw ng daang-daang lalaki, bakit? May mga babae kasing mukhang kaladkarin sa istilo ng pananamit at kilos, lalo na yung mga babaeng naka-kuyabit ng naka-kuyabit sa mga lalaki? Gawin daw bang upuan? May mga babae namang napaka-hinhin. Hindi mo iisiping nagamit na ng lalaki. Dahil hindi makabasag pinggan ang akto, ang hindi mo alam, nakakabasag pala ng kalderong stainless.wow!!!

Depende rin kung hihiwalayan ka ng asawa mo oras na malamang hindi ka na virgin. May mga babae kasing bago pa dumating ang pagkakataong ayain siyang magpakasal ng kaniyang kasintahan ay sinabi na ang nangyari at may pagkakataon namang kung kailan lang nagamit ng asawa saka lamang malalaman. Depende sa lalaki kung tatanggapin niya o hindi ang babae. Para sakin, kapag tinanggap ng lalaki at hindi niya hiniwalayan, ibig sabihin lang ay buo ang pagmamahal niya sa babaeng iyon, saludo ako sa kanila. Kung hindi, marahil ay hindi niya ganoong kamahal ang babae o kaya nama’y hindi lang niya matanggap ang nalaman. Hindi ko sila masisisi.

Marami ding maaaring dahilan kung bakit nawala ang virginity ng isang tao. Maaaring pinagsamantalahan. Iyon na siguro ang pinakamasakit oras na mangyari ito sa isang tao. Hindi rin siguro ito maituturing na kasalanan ng taong napagsamantalahan. Meron din naming sobrang kalasingan, at sa sobrang kalasingan sinasamantala ng mga lalaki. Tulad na lamang ng kwento ng aking kaibigan na noon ay nag-aaral din sa BSU sa kursong Edukasyon.

Legal sila ng kaniyang kasintahan sa mga magulang ng lalaki. Pero ang alam ko ay hindi lamang ito ang lalaking kanyang nobyo. Nakipag-inuman sa kanya ang ina ng kanyang nobyo at sa sobrang kalasingan ay doon na lamang siya pinatulog.
"Friend may problema ko."
"Kelan ba nawalan?"
"Hindi ako nag-bibiro."
"Ano ba problema mo?"
"Two months delayed ako. Nagpa-pregnancy test kami ng boy friend ko. Positive, butis daw ako."
"Hala!!! Bakit? Kelan ba may nangyari sa inyo?"
"Nung nag-inuman kami ng mama niya. Hindi ko alam ang ginagawa ko. Bigla na lang nangyari. Ang naaalala ko lang ay nung hinubaran niya ako at may pumutok sa loob ko. Pag gising namin puro siya kalmot."
"Oh. Saan naman nanggaling yung kalmot niya."
"Sa akin daw. Galit na galit siya pero naka-ngiti. Ungol daw ako ng ungol sa sakit. Dapat daw pala ay ginupitan muna niya ko ng kuko."

"napaka mo talaga. pano pag nalaman ng magulang mu yan?"
"adik masarap. promise! bakit hindi mo i'try? may boy friend ka naman diba?"
"sira ba tuktok mo? hindi ko gagawin yun. kala mo sakin? tsaka wala na kami. apat na oras nang nakakaraan."
"ang arte mo. bahala ka. ikaw din. baka mag-sisi ka. alam mo ba habang suma-sakit lalong suma-sarap. yung tipong habang buma-baon lalong suma-sarap."
Mula noon ay parang wala na siyang paki alam sa katawan niya. Tatlong araw matapos niyang ikwento iyon ay bumalik siya sa amin at sinabing “friend adik na ata ako sa sex mula nung nawala yung virginity ko. Diba nung nag-usap tayo tungkol sa pagbu-buntis ko nag kita kami nung isa kong boy friend? May nangyari din sa amin. Pati kahapon. Paano ko ba pipigilan sarili ko?
Aral:
· Nakaka laki ng tiyan ang alak.
· Huwag mag lalasing kung nasa bahay ka ng boy friend mo.
· Mahirap makipag inuman sa mama ng boy friend mo.

Isa pang dahilan kung bakit binibigay nila ang katawan
sa kanilang mga nobyo ay dahil sa problema sa pamilya at gusto silang pag-hiwalayin. Tanging pag-gawa lang ng bata ang naiisip nilang paraan para hindi sila pag-hiwalayan. Pero hindi ako pabor dito. Kung talagang sila para sa isa’t-isa, sila ang magkakatuluyan kahit pag balik-baliktarin pa ang ulo ng mga magulang niyo. Hindi niyo na kaylangang gawin iyon.

Siguro naman malinaw na sa inyo ang sagot ko sa tanong na, mahalaga pa ba ang virginity sa panaho ngayon? Siyempre naman. Ang dami kayang mawawala oras na mawala ang virginity. Iyon lamang. Bow!!!

A virgin is always teased by her classmates. All of them have experience in bed except her. One time, she gets angry. She said, “anytime I could be like you. But no matter how hard you will try, you will NEVER be like me anymore.”




1 comment: