Wednesday, October 7, 2009

Ano nga ba ang kahalagahan ng Virginity?

Marami sa mga kabataan ngayon ang nagiging mapusok, ang iba ay sumusubok uminom ng alak at natututong manigarilyo, ngunit may isang bagay na labis kong ipinagalala ang kabataan na sumusubok ng sex, dumarami ang bilang ng mga kabataan na dahil sa “curiosity” ay sinusubukan ang bagay na ito. Ang mas lalo kong ipinagalala ng malaman ko ang edad ng mga kabataang ito na mula sa edad 13 hanggang edad 18, pumasok agad sa aking isip ang sakit na maari nilang makuha mula sa pakikipag sex gaya ng STD at AIDS na maari nilang ikamatay.
Lubos na tinututulan ng simbahang katoliko ang pakikipag talik lalo na kung hindi kasal.sang ayon din ako dito sapagkat para sa akin ay mag-asawa lang ang dapat na gumawa nito, para din sa akin ang sex ay hindi bastos dahil ito ay parte ng ating buhay, nagiging bastos ito sapagkat ginagawang kakatwa ng ibang tao.
Sumakatuwid ang virginity ay mahalaga lalung-lalo na sa mga kababaihan sapagkat ito ang pinaka magandang regalo na matatanggap ng isang lalake mula sa kanilang mapapangasawa.
Sa panahon ngayon pinahahalagahan pa ba ito ng ibang kababaihan? gaya na lamang ng mga kabataang ibinibigay ang kanilang pagkababae sa hindi tamang panahon at hindi tamang lalake. Minsan sa pagkakamali ng mga kabataang ito ay sila rin mismo ang naghihirap, nagdadalang tao ng hindi sinasadya,ikinakasal sa lalaking hindi naman nararapat.
Sa palagay ko uapang maiwasan ang ganitong sitwsyon nararapat lamang na magkaroon ng pagpapayo sa mga kabataan ang issue tungkol sa sex ang importansya nito at ang maaring maidulot nito sa mga kabataan.kasama na rin ang pang-unawa at gabay ng kanilang mga magulang .

No comments:

Post a Comment

Post a Comment