Friday, October 9, 2009

KAPURIHAN:PAG-INGATAN NG KABABAIHAN

Kapurihan, kalinisan. Sa panahon ngayon, iilan lamang sa mga kabataan ang nakababatid at nakaiintindi sa salitang iyan. Ang mga ito ay isinasaalang-alang ang kanilang pag-aaral, upang makatapos at makatulong sa kanilang pamilya. Makatulong sa paraang mabuti. Mabuti na ‘di kailanman magdadala ng kapahamakan. Mabuti na maipagmamalaki mo ninuman.




Ang babae, maganda, mabango, mhainhin at masipag. Ilang katangian ng isang Pilipina. Katangian na tila ba isang putting damit na kay hirap dungisan. Kay hirap linisin kung ito’y lalabhan. Ngunit iba n ngayon. Sa kabayanan, kung saan sagana, sikat at madalas puntahan ng mga tao, ay ang lugar din kung saan madaming naglipanang kababaihan. Kababaihan na karamihan ay nakaranas ng makipagtalik. Ang iaba nito, ay dahil sa kagustuhan. At ang iba ay napagsamantalahan. Ngunit ano nga ba ang magiging epekto nito sa isang babae? Ito ba’y mabuti o masama?



Para sa kabataan ngayon, normal na lamang ang pakikipagtalik, na para bang walang masamang maidudulot, o mangyayari sa kanila. Walang pakialam kung anuman ang mawala. Hindi na rin mahalaga kung gaano nila kakilala ang kanilang katalik. Ang kanila lamang iniisip ay mahal nila ang taong iyon. Ito nga ba nag pag-ibig? Pagmamahal ba itong talaga? Hindi, dahil sa kawalan ng paggalang at respeto sa bawat isa. Hindi mo man lang naisip na wala itong kabutihang maidudulot, lalo na kung wala ka pa sa hustong gulang. Wala ka nang maipagmamalaki sa taong makakasama mo para sa habang buhay. Sinira mo lamang ang iyong sarili. Paano ba ‘yan? Pagkatapos, ano na ang susunod? Nagbigay ka lang ng karapatan sa ibang tao na bastusin ka. Kayang-kaya na nilang gawin ang lahat sa iyo. Dahil wala na ang kapurihang dapat ay nanatili sa iyo hangga’t ‘di ka pa nakakasal ay nawala na. paano ‘yan?



Sabi nila, ang “virginity daw parang alak na habang tumatagal, lalong masarap. S’yempre nga naman. Kung ito’y ‘di mo pa nabubuksan, sigurado kang hindi ito masisira. Mas mabibigyan pa ng babae ang kanyang magiging asawa ng kaligayahan kung ito’y naalagaan at napanatili niya. Ang isa pa ay gaya sa mga bote ng tubig nakikita. Ang “do not accept if the seal is broken”. Isang kahihiyan kung ang ibang tao ay binabastos ka dahil sa pagiging marupok mo. Ngunit sa kabila ng pagiging marupok mo, may nga tao pa rin na nakaagapay sa iyo. Sinasabing .. may pag-asa pa at hindi pa iyon ang katapusan ng buhay mo. Kaya’t tatandaan na ang kapurihan ay pinag-iingatan’ hindi pinagpapamigayan.

No comments:

Post a Comment