Thursday, October 8, 2009

SURVEY.. SURVEY.. SURVEY..

   Ayon sa SWS Survey, anim sa sampung kabataan edad 20 pababa ay maagang nakararanas ng premarital sex.

Ano nga ba ang nga dahilan bakit dumadami at talamak na ang mga kabataang nalilihis ng landas.
Ilan sa mga kabataan ang pumayag na aming kapanayim para sa isang maselang interbyu. Malakas na loob nilang sinagot ng tapat at walang halong pagtatanggi ang aming mga katanungan. Nakatutuwang isipin pagkat mas marami pa ang bilang ng mga kababaihang kabataan ang pumayag. Hindi na namin iisa-isahin pa ang mga katanungang inilahad namin sa kanila, papalawakin na lamang namin ang mga pangunahing dahilan kung bakit mas dumarami ang na-iinvolved sa ganitong mga sitwasyon. Laliman na lamang po ninyo ang pag intindi sa mga ilalahad namen pahayag.

PAGKASILAW SA UNANG PAG-IBIG.  Totoo nga namang ang unang pag-ibig ay isa sa mga bagay na nangyari sa buhay ng tao na kahit kailan ay hindi niya makakalimutan na nagdulot ng kakaibang sigla at saya. Ang unang matatamis na salita, ang tila kuryenteng paghahawakan ng kamay na kaalintabay ang mahigpit na yakap. At siyempre, ang kauna-unahang halik sa taong inaakala mong "mahal mo". Di ba kay sarap isipin ng mga bagay na ito ? Kung iisa-isahin mong pag-aralan  ang mga bagay na ito, hindi maiiwasang walang kawala ang babae sa nakaka-"high" na karanasan na ito. Sa kabila naman nito ay sasamantalahin ng mga kalalakihan ang pagkakataon. (ehem..hindi ko naman po nilalahat !) Dito na papasok ang tinatawag na "premarital sex". Una, pangalawa,hanggang sa hindi na nila namamalayang may naghihintay na palang mabigat na responsibilidad sa hinaharap.

SOLUSYON SA PROBLEMA SA PAMILYA. Sa panahon ng adolescence stage hanggang sa early adulthood, ang mga kabataan ay masydong umiiral ang emosyon at mas nagdodomina ang pagiging sensitibo sa mga bagay-bagay lalo na ang mga usapin sa pamilya. Dahil sa tingin nila ay may malaking pagkukulang ang mga magulang sa mga negatibong nararanasan nila ay naghahanap na agad sila ng kalinga sa labas partikular na ang mga kaibigan. Madaling nahuhulog ang mga loob nito sa isa't isa, dahil sa pagbibigay ng sobrang pang-unawa at atensiyon na hindi naiibigay ng kanyang  pamilya. Resulta na naman nito ay ang maagang pakikipagtalik.

MGA IMPLUWENSIYA NG MEDIA. Ang maagang pagka-exposed ng mga kabataan sa mga makabagong kagamitan ay nagdudlot ito ng masamang epekto sa ibat ibang aspeto n kanilang buhay. Tulad na lamang ng mga panunuod ng mga pornograpiya, mga kumakalat na video sa mga cellphones at kahit sa mga simpleng usapan ng mga magbabarkada. Dahil dito naeengganyo ang isang tao na gawin o subukan ang isang bagay na hindi pa niya nararanasan o bago sa kaniyang paningin. At hindi niya alam ang kahahantungan nito, lalung-lalo na sa mga kabataan.

Ilan lamang ang mga ito sa mga dahilang inilahad ng mga kabataan ukol sa kanilang mga naging karanasan.

No comments:

Post a Comment